Abante Tonite Interactive

Michelle swak sa Miss World ang kaseksihan

397

Like mother, like daughter. Iyan agad ang papasok sa isip ng sinomang makakakita kay Michelle Dee. Bukod sa taglay niyang kagandahan, anak siya ng former Miss International 1979 na si Melanie Marquez sa dating aktor na si Derek Dee.

Lalo na ngayon na itinanghal si Michelle bilang Miss World Philippines 2019 sa ginanap na coronation night sa Araneta Coliseum last Sunday, September 15. Angkop sa estado ng isang reyna na tulad niya ang taglay na alindog ng dalaga.

Sa naturang kompetisyon, si Michelle ay nagpakita ng beauty, poise, at intelligence. Actually, sumungkit si Michelle ng ilang special awards dito. Siya ay larawan ng isang dalagang may kompiyansa sa sarili at alam ang gustong maging direksiyon ng kanyang career.

Si Michelle na graduate ng BS Psychology degree sa De La Salle University, ay kilala rin bilang aktres at model.

Ang 24-year-old na dalaga ay may mapang-akit na kagandahan at nagtataglay ng matinding sex appeal. Mula ulo hanggang paa, flawless ang kanyang kutis na kapag itinerno sa makapigil-hininga niyang makurbang katawan, mabibistahan ang isang kartada diyes na binibini.

Sa angking kariktan ni Michelle, walang dudang luluwa ang mga mata ng bawat barakong makakakita sa kanyang kahanga-hangang alindog.

Sa ganda at kaseksihan ni Michelle, handang-handa na siyang makipagkabugan sa mga kapwa niya beauty queens sa darating na December 14 sa ExCel, London bilang kinatawan ng Pilipinas. (Nonie Nicasio)