Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Michelle winner ang kaseksihan

0 62

NI: NONIE NICASIO

Iba ang lakas ng awra ng beauty queen-actress na si Michelle Dee.

Tunay na isang boy’s delight ang mga babaeng gaya niya. Astig ang tindig ni Michelle, na lalong lumutang sa suot niyang hot na hot na swimsuit. Makikita ito sa kanyang Instagram account.

Bukod sa kanyang taglay na beauty, nakapaglalaway ang kurbada ng katawan ng dalaga. Kahit saang anggulo silipin, sadyang kabogera ang kaseksihan ni Michelle.

Siya ay nanalong Miss World Philippines noong 2019. Sa katatapos na Miss Universe Philippines 2022, si Michelle ay kinoronahan naman bilang Miss Universe Philippines Tourism 2022.

Matinding kuryente ang gumapang sa maraming kalalakihan sa pormang ito ni Michelle.

Isang tingin lang sa katakam-takam niyang alindog, maraming boys na agad ang magkakandarapa para mabistahan ang kanyang hotness.

Samantala, marami ang nagtatanong kung ano ang suportang binibigay ni Michelle sa ermat niyang si Melanie Marquez.
Tumatakbo kasi ito na nominee sa LBP Partylist.

Naging busy rin kasi si Michelle sa laban niya sa Miss Universe Philippines kaya naiintindihan ‘yun ng kanyang ina.

Leave A Reply

Your email address will not be published.