Abante Tonite Interactive

Miciano, laglag sa 3rd spot

By
177

Nakabitiw sa tuktok si International Master John Marvin Miciano matapos yumuko kay top seed Grandmaster Sandro Mareco ng Argentina sa sixth round ng 22nd Hogeschool Zeeland chess tournament sa Vlissingen, Nether­lands, Miyerkoles nang gabi.

Nagtala naman ng magkahiwalay na panalo sina GM Jayson Gonzales at WGM Janelle Mae Frayna upang manatiling may tsansa sa asam na titulo.

Durog agad sa opening si Mi­ciano, 17, pinilit niyang makatakas sa atake subalit naging matatag si Mareco na ipinakita ang tikas sa endgame.

Kasalo ni Mareco sa unahan si Chinese GM Wan Yungu na kinalos si IM Antonio Dcunha Viani ng India, kapit nila ang tig-5.5 points.

Sumemplang ang Far Eastern University sa third place, kasama siya sa 10-player group na may tig-limang puntos.

Kasama si 49-year-old Gonzales sa five pointers matapos kanain si Woman FIDE Master Sonja Maria Bluhm sa 31 moves ng Caro-Kann Defense.

Pinisak naman ni Frayna, 22 si Dutch Robert Oosting, sumiksik siya sa 13th spot hawak ang 4.5 puntos.

Sunod na makakalaban ni Miciano si GM Roeland Pruijssers ng host country habang katapat ni Gonzales si Dutch GM Jorden Van Foreest sa seventh round.

Si Frayna na suportado ng Philippine Sports Commission at ni Philippine STAR president at chief executive officer Miguel Belmonte ay kalaban si IM Merijn Van Delft ng Netherlands.