Abante Tonite Interactive

Miciano nagbabanta sa liderato

By
1,259

Pinataob ni International Master John Marvin Miciano si Indian woodpusher Singhania Vatsal upang lumapit sa mga nasa unahan sa 44th Vila De Sitges sa Spain, Huwebes nang gabi.

Nakalikom si 17-year-old Miciano ng 4.5 points upang sumiksik sa nine-way tie sa second place matapos ang round six.

Solo sa tuktok si top seed GM Gadir Guseinov ng Azerbaijan na tabla kay IM Daniel Eduardo Pulvett Marin ng host country, kapit niya ang limang puntos.

Natablahan naman si Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna ni FIDE Master Vicenc Esplugas Esteve ng Spain.

Kasama si 22-year-old Frayna sa 16-player group sa 12th spot kapit ang four points upang manatili sa asam na korona.

Ang 51-day European campaign ni Frayna ay bilang paghahanda sa World Chess Olympiad sa September sa Batumi, Georgia.

Si Miciano na puntirya ang GM norm ay makakalaban si fifth seed IM Luis Lazaro Aguero Jimenez ng Cuba sa se­venth round habang ka­tapat ni Frayna si Swe­dish FM Anders Larrson.

Nakaipon naman si GM Jayson Gonzales ng 3.5 points, tabla siya kay Torbjorn Glimbrant ng Sweden.

Bukod sa paglalaro, ginagabayan ni 49-year-old Gonzales sina Miciano at Frayna, kailangan niyang manalo kay Singhania Vatsal ng India upang makahabol ng bahagya sa tuktok.