Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Middle class dapat ayudahan

0 189

Mayroong ilang tutol na bigyan ng ayuda ang mga mamayan na maituturing na nasa middle class.

Ibig sabihin ay hindi sobrang mahirap at kahit papaano at nakakaraos Sa pang araw araw na buhay Sa bansa.

Pero sa aking pananaw ay dapat lang na mabigyan ng ayuda ang mga nasa middle class dahil mas may malaking ambag ito sa gobyerno at sa buong sambayanan.

Hindi porket nasa middle class ay napakasarap na ng buhay at mas maituturing lang ang mga ito na lubos na nagsisikap lang na maghanap buhay at makaraos.

Ang mga nasa middle class ay masasabing may sariling hanapbuhay pero ang mga ito ang may malaking ambag tulad sa pagbabayad ng buwis.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Madalas kasi nauuna ang sinasabing mga pinakamahirap na mamamayan o pamilya sa bansa sa mga ibinibigay na ayuda.

May panukala pang bigyan ng ayuda tulad ng bigas ang mga nasa middle class dahil sa matinding epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin na bunga naman na walang tigil na pagsirit sa presyo ng produktong petrolyo.

Hindi ko naman sinasabi na itigil na ang ayuda sa mga mas mahirap na mamamayan pero mas makakabuting maisama naman ang middle class bilang pakonsuwelo sa ambag nito sa ekonomiya ng bansa.

Sana ay masuklian din ang sakripisyo at masikap na paghahanap buhay ng nasa middle class dahil ang mga ito ay lubhang tinamaan din ng pandemya at hanggang sa pagtataas ng presyo ng bilihin at produktong petrolyo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.