Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Middleton, Bucks dinikdik ang Magic

0 270

Sa pangatlong sunod na laro ay wala si Giannis Antetokounmpo (sore left knee) pero hindi na siya kinailangan ng Milwaukee mainam ang suportang nakuha ni Khris Middleton mula sa mga kakampi.

Umiskor ang two-time All-Star na si Middleton ng 21 mula sa 8 of 13 shooting na sinahugan ng 8 rebounds at 5 assists at tinambakan ng Bucks ang Orlando Magic 124-87 sa 75th NBA regular season game sa Amway Center sa Florida nitong Linggo.

Maliban kay Mamadi Diakite, umiskor lahat ang 13 players na ginamit ng Bucks na umakyat sa 33-20 win-loss record at sinalya ang Magic sa 17-36.

Umayuda ng 16 pts. at 10 rebs. si Bobby Portis off the bench, may 13 pts. din si reserve Bryn Forbes at 12 pts., 5 rebs. at 7 asts. kay Jrue Holiday.

Nagsumite ng career-best 21 pts. si reserve Mohamed Bamba, pero tanging naka-double digits na lang sa Magic ay si Cole Anthony (12 pts).

Kampante na sa unahan ang Bucks 57-38 sa halftime, tinapakan pa ng second stringers ang silinyador sa fourth para kumpletuhin ang start-to-finish win. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.