Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Middleton ginaya si Jabbar

0 73

Si starting forward Khris Middleton ang bumida sa Game 4 ng East semis kaya naisalba ang season ng NBA-best Milwaukee, nakaiwas sa sweep nang kubrahin ang manipis na 118-115 overtime win kontra Miami nitong Linggo.

Sumakay ang Milwaukee kay Middleton nang mawala si MVP Giannis Antetokounmpo sa buong second half. Nagsumite siya ng monster stat line na 36 points, 8 rebounds at 8 assists, pinantayan ng 29-year-old ang matagal nang record ng Bucks na hawak pa ni Kareem Abdul-Jabbar.

Sina Middleton at Abdul-Jabbar lang ang tanging players sa prangkisa ng na may at least 35 points, 8 rebounds at 8 assists sa isang playoff game, ayon sa StatMuse. Bago pinostehan ang Lakers (1975-89), naging tore muna ng Bucks si Jabbar noong 1969-75. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.