Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Middleton wow sa Milwaukee

0 129

Sidelined si Giannis Antetokounmpo (right knee soreness), rumesponde sina veterans Khris Middleton at Jrue Holiday para giyahana ng Bucks sa 133-127 panalo laban sa Sacramento sa Fiserv Forum sa Milwaukee nitong Sabado.

Nagtistis si Middleton ng game-high 34 points, sumegunda si Holiday ng 26.

Apat pang Bucks (30-19) ang umiskor ng 10 pataas sa pangunguna ng 20 ni reserve Donte DeVincenzo.

Naiwan ng 15 ang Kings pero nag-rally para manindak sa tatlo bago nagsalpak ng pamatay-sunog na 3-pointer si Middleton.

Sumagot ng layup si Harrison Barnes para sa Sacramento, pinunit ni Holiday ang depensa para isalaksak ang left-handed dunk tungo sa 126-120 Bucks 47 seconds na lang.

SM food to go Banner Ad

Isinara ng Milwaukee ang laro sa 7 of 8 free throws, perpekto sa apat si Middleton.

Binitbit ng 29 points ni Barnes ang Kings (18-30), umayuda ng 24 points at 12 assists si Tyrese Haliburton. May 22 points pa si Terence Davis.

Itinuro ni Holiday ang clutch 3 ni Middleton na susi sa panalo.

“I feel like this is what he has been doing,” ani Holiday. “He makes timely threes. He makes big shots, especially in that moment when they had momentum.” (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.