Abante Tonite Interactive

Mighty nakaisa rin sa Dubai

123

Pumutok si Gary “El Granada” David para tulungan ang Mighty Sports-Philippines na makaiwas sa shutout sa 28th Dubai International Basketball Championship sa Al Ahli Indoor Stadium.

Umiskor si David ng 15 points at tinambakan ng Mighty Sports ang Ball Above All 94-80 kahapon at ilista ang unang panalo sa anim na salang.

Lumuwag ang kalooban ni coach Charles Tiu, kahit paano ay na­bigyan niya ng panalo ang koponan at napa­saya ang mga Pinoy fans na nanonood ng live sa Dubai.

“They gave their all for the team and for the Filipino community here,” ani Tiu. “It’s a disappointment that we won only once but we could have won at least two to three games if we had one more practice before we left Manila.”

Nirehistro ni Jeron­ Teng ang 22 points sa kanyang 8-of-13 shooting para ­pangunahan ang locals, si import Justin Brownlee ang top ­scorer ng Mighty Sports sa nilistang 25 markers.

Tonite – Wendys Inhouse Ad