Abante Tonite Interactive

Mighty Sports asinta ang Jones Cup title

0 318

Bawiin ang prestihiyosong tropeo ang asinta ng Mighty Sports na bibitbitin ng limang imports at inaasahan ni dating Gilas Pilipinas Men’s Team coach Rajko Toroman na magtatagumpay sa misyon ang bansa sa 41st Jones Cup 2019 sa Taiwan sa Hulyo 12-21.

Tatlong taon na ang nakalipas sapul na muling maiuwi ng Pilipinas ang korona ng Jones Cup sa pagkatawan din ng MS, kumbinsido si Toroman na pupukpok ang team para makopo ng ‘Pinas ang ikanim na ttitulo sa taunang torneo.

“The team has almost everything and we’re wor-king very hard to find the right chemistry,” sabi ni Toroman, na team consultant at humawak muna sa paghahanda sa panahon na wala si coach Charles Tiu.

Dumating lang sa bansa si Tiu sa bansa noong Lunes mula sa Greece tapos magsilbi bilang isa sa mga assistant coach ng Gilas Pilipinas Youth na lumagak sa ika-14 na puwesto mula sa 16 na kasali sa 14th International Basketball Federation Under-19 World Cup 2019.

“I was not here in the early part of the team’s training but I’m confident the team will do the best it can to regain the Jones Cup crown,” sabi naman ni Tiu.

Aalis ngayong hapon ang Mighty, na suportado ng Go For Gold, pa-Taiwan para sa 10-day cagefest. (Lito Oredo)