Abante Tonite Interactive

Mighty Sports palalakasin nina Gray, Adams

By
0 122

Dalawang Filipino-American player ang bagong dagdag sa Mighty Sports-Philippine Team na sasabak sa 2019 Dubai International Basketball ­Championship.
Sina Jeremiah Gray at Roosevelt Adams ang nasama sa tropa na gagabayan at pa­ngungunahan ni coach Charles Tiu.
Ang 6-foot-4 na si Gray ay naglaro sa Dominican University of California, at gumawa ng panibagong record nang pumoste ng 509 points sa isang season.
Habang ang 6-foot-5 na si Adams naman ay inaasahang palalakasin ang outside threat ng koponan.
“These two Fil-Am players are welcome additions to the team, and we are hopeful they can easily adapt to the system of coach Charles (Tiu),” wika ni Mighty Sports co-team owner Alex Wongchung­king.
Parehong kumpiyansa sina Wongchuking at Tiu na maganda ang kalalabasan ng kampanya ng bansa ngayon.