Abante Tonite Interactive

Miguel, pa-Pagaspas muli!

118

NGAYONG gabi na ang muling paglipad ni Miguel Tanfelix bilang Pagaspas sa Encantadia.

Unang ginampa­nan ito ni Miguel sa Mulawin nu’ng 2004 at matapos ang 12 taon ay muli itong masisilayan sa GMA primetime.

Hindi maitago ang excitement ng Kapuso teen actor nang mapanood ang sarili niya sa teaser ng Encantadia.

Kinilabutan si Miguel, natuwa at na-excite nang sobra.

“Nu’ng malaman ko po na ako ‘yung gaganap bilang Pagaspas ng Encantadia, talagang nag-flashback po sa akin lahat ng memories ko before sa Mulawin.

“Siyempre, nakakagulat. Ang saya ng feeling na gagampanan mo ulit ‘yung role na ginampa­nan mo nu’ng five years old ka,” masayang bulalas ng cutie pie na si Miguel.

Abangan mamaya ang pagsasanib-puwersa ng Mulawin at ng mga Sang’gre mamayang gabi sa kapana-panabik na episode ng Encantadia.