Abante Tonite Interactive

Miguel seryoso sa panliligaw kay Bianca

By
1,870

Habang tumatagal, lalong dumarami ang nagfa-fangirl kay Miguel Tanfelix. Bukod sa kanyang kagwapuhan, mas hinahangaan ngayon ang binata dahil sa paraan niya ng pagtanong sa kanyang leading lady na si Bianca Umali kung puwede ba niya itong ligawan in real life. Seryoso na siya sa nararamdaman sa dalaga.

#Goals daw ito para sa kanila dahil pinakikita na true gentleman ito. Sure ang mga ito lalo ang kanilang mga loyal follower na ang dalawang Kapuso stars na ang meant to be together forever.

Pero sa mga susunod na kaganapan sa kanilang GMA Primetime series na Kambal, Karibal, tila hindi ito ang nakatadhana na mangyari sa mga karakter na ginagampanan nila bilang sina Crisan (Bianca) at Diego (Miguel).
Madidiskubre na ni Crisan ang ginawang pagtulong ni Diego sa kriminal niyang ama na si Raymond (Marvin Agustin). Mapatawad pa kaya siya ni Crisan o magdudulot ito ng lamat sa kanilang relasyon? Abangan yan gabi-gabi sa GMA Telebabad!

Katrina kuntento sa pagiging single

Nakakabilib si Katrina Halili dahil sa kabila ng kanyang successful career at pagiging ina sa kanyang daughter na si Katie, nanatiling single ang Kapuso kontrabida.

Pag-amin ni Kat, anim na taon na raw siyang single at ni minsan ay hindi nagkaroon ng ka-date.

Pagmamalaki pa nito ay hindi raw siya nalulungkot dahil si Katie at family and friends lang daw niya, sapat na at wala na siyang mahihiling pa.

Anyway, palaban at strong girl ang role niya bilang si Isabelle sa top-rating GMA Afternoon Prime series na The Stepdaughters.

ABS-CBN waging Television Station of the Year sa Rotary Club

Pinarangalan ng Rotary Club of Manila ang ABS-CBN para sa natatanging kontribusyon nito sa media at pinangalanang Television Station of the Year. Ginawaran din ng tropeo ang pito nitong beteranong mamamahayag sa iba’t ibang kategorya.

Nagwagi si Ted Failon ng ‘TV Patrol’ bilang Male Television Broadcaster of the Year, habang si Annalisa Burgos naman ng ‘Early Edition’ ang panalong Regional Female Broadcaster of the Year. Panalo rin ang mga broadcast journalist na si Doris Bigornia at RG Cruz ng Television Female Reporter of the Year at Television Male Reporter of the Year.

Sa kategoryang AM radio naman, pina­ngalanang Male Radio Broadcaster of the Year ang DZMM Radyo Patrol 630 anchor na si Vic De Leon Lima. Nagwagi rin ang mga ABS-CBN DXAB Davao anchor na si James Galay at Rosemarie Ann Diaboro bilang Regional Male Broadcaster of the Year at Regional Female Broadcaster of the year.

Inilunsad ang Rotary Club of Manila Journalism­ Awards noong 1966 upang kilalanin ang mga natatanging kontribusyon ng mga indibidwal sa print, radio, at telebisyon, upang suportahan ang pag-unlad ng pamamahayag sa Pilipinas. Isa ito sa mga pinakakilalang award-giving body sa larangan ng pamamahayag.

Mike Tan may malaking problema

Naaawa ngayon ang Kapuso viewers sa sitwasyon na kinabibilangan ni Marco, na ginagampanan ni Mike Tan, sa ‘Hindi Ko Ka­yang Iwan Ka’ ng GMA. Dama kasi nila ang hirap ng kinalalagyan niya ngayon dahil gusto na niyang makipagbalikan sa asawang si Thea (Yasmien Kurdi) pero nalaman din niyang maysakit ang kanyang ina na si Adel (Gina Alajar) na siya namang kinaiinisan at kaaway ng asawa. Sino kaya sa dalawa ang pipiliin niya? O magawan kaya niya ng paraan para mapagkasundo ang mga ito? Abangan sa ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka’ sa GMA Afternoon Prime.