Abante Tonite Interactive

Miho hiniwalayan si Young JV sa text

929

tonite-imo-vinia-vivarAno kaya ang masasabi ni Miho Ni­shida sa pahayag ng mommy ni Young JV na si Elsa Kapunan na idinaan lang niya sa text ang pakikipaghiwalay sa anak?

Kinumpirma ng mommy ni Young JV ang break-up ng anak with Miho sa isang fan diumano at kumalat naman sa online ang nasabing mensahe ni Mommy Elsa.

“Ako po ang mother ni JV. Dahil sa maraming nagtatanong sa akin tungkol sa nangyayari kay JV and Miho, I would like to confirm na nakipagbreak na talaga si Miho kay JV. Nagulat na lang si JV na tinex siya ni Miho na hindi na raw sya happy at sorry na lang. Itong breakup na kinagugulat ni JV dahil sa dinaan ni Miho sa tex lamang,” ang bahagi ng pahayag ng ina ni Yougng JV.

Nakiusap din si Mommy Elsa na tigilan na raw ang pagba-bash sa anak niya dahil ito nga raw ang iniwan at niloko.

“Ang gusto lang naman sana niya ay kausapin lang naman siya ni Miho out of respect to their past relationship.

“JV wants a clean break and they can just be friends. Kahit na si JV pa ang sinasaktan ni Miho, willing pa rin siya ni JV e forgive at for Miho na magpakatotoo lamang,” pahayag pa ng ina ng singer.

Bago ang pagkumpirma na ito ni Mrs. Kapunan ay may mga cryptic post na si Young JV sa kanyang Instagram.

“Getting cheated and not caring abouy (about) how you feel is just wow,” ang post ni Young JV.

Isa pang post ni JV ay nagsasaad naman ng, “If they want to leave, let them. If they push you go away, go. You weren’t put on this earth to convince anyone of your worth.”

Last March ay inanunsyo ni Young JV that he and Miho are dating at nitong Mayo naman ay inamin ng singer na sila na officially.
***

Heart-Chiz anim na taon na

Kasabay ng pag-renew ni Heart Evangelista ng exclusive contract niya sa Kapuso network last Monday, July 31 ay 6th anniversary pala nila ng asawang si Sen. Chiz Escudero.

Six years na sila of being together dahil bago sila ikinasal noong Feb. 15, 2015 sa Balesin Island ay magkarelasyon na sila.

Sa kanyang Instagram post ay bi­nati ni Heart ang mister at pinasa­lamatan for being her person all these years even in difficult times.

“From the little things like making me laugh to the bigger things like helping me through difficult times, you have never failed to be my person. 6 years ago today we embarked on this journey together and I thank God for it everyday. Happy anniversary, my love!” ang napaka-sweet na anniversary message ni Heart para sa asawa.

Sa kanyang latest interview naman matapos ang contract signing ay ipinahayag ni Heart na masayang-masaya ang mister sa kanyang pagpirma at ito nga raw parati ang nagpu-push sa kanya na magbalik na sa trabaho.