Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mika, dyowa nagkalabuan

0 63

HIWALAY na?

Hot topic ngayon sa social media ang tsikang break na ang magkasintahang sina volleybelle Mika Reyes at actor/model Jerome Ponce.

Ito ay matapos mapansin ng ilang netizen na in-unfollow ng magpartner ang isa’t isa sa kanilang Instagram account.

Kapansin-pansin din sa kanilang personal IG account ang biglang paglaho ng kanilang dating `cheesy’ photos.

Maging mga video ni former DLSU Lady Spiker star Mika sa YouTube channel na kasama si Jerome ay burado na.

Bagamat maugong ngayon sa social media ang hiwalayan ng dalawa ay wala pa naman itong kumpirmasyon. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.