Abante Tonite Interactive

Mika lafang to the max sa Taiwan

346

Tikim dito, tikim doon ang peg ni volleyball star Mika Reyes sa pagbisita nito sa Taiwan.

Kasama ang boyfriend niyang actor na si Jerome Ponce, food trip ang dalawa sa iba’t ibang lugar upang matikman ang mga street food at delicacy doon na tema ng kanyang vlog.

Sa video, makikitang nakakatakam ang pagkain ni Reyes sa xiao long bao dumpling.

“My love for xiao long bao is incomparable! Siyempre I had to visit Din Tai Fung’s original resto in Taipei and it did not disappoint.. FOODTRIP IN TAIWAN is now up on my channel” caption ni Reyes sa Instagram nitong Lunes.

Makikita rin na very sweet ang dalawa nang maghati sa isang inu­ming milk tea. (Janiel Abby Toralba)