Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mika nailang kay Nash

0 175

NI: VINIA VIVAR

Sinira na nina Mika dela Cruz at Nash Aguas ang kanilang rule na hindi magsasama sa trabaho since naging magdyowa sila. May tinanggap na kasi silang project na isang endorsement kung saan ay nagkaroon pa sila ng digital ad shoot na parang short film.

Sa kanyang YouTube vlog ay ipinakita ni Mika ang maghapon nilang pagtatrabaho ni Nash at aminado naman ang young actress na talagang na-awkward sila sa isa’t isa.

Actually, dati nang nagkasama sina Nash and Mika sa Goin Bulilit sa ABS-CBN pero mga bata pa sila noon. Nasundan ito sa ‘Luv U’. Nagkahiwalay sila ng network hangang sa maging sila na in 2018.

SM SuperKidsDay Banner Ad

In the past interview ay nabanggit nila na ayaw nilang makatrabaho ang isa’ isa dahil nga ayaw nilang mabahiran ng showbiz ang kanilang relasyon. Ang alam nga namin ay may tinanggihan na silang movie together.

“Actually, sobrang naninibago kami ni Nash kasi ito ‘yung first time na nagkatrabaho kami for an endorsement na parang as kami. So parang sobrang weird kasi hindi naman kami mga showbiz na tao, saka hindi namin ginusto actually nun’g una na magkatrabaho kasi, alam mo yun? Ayaw namin to be together para lang sa loveteam, so, ayun, ginawa naming rule ‘yun na ayaw naming simulan na maging ganu’n ‘yung set-up namin, para kung ano lang talaga kami, hindi mahaluan ng work,” ani Mika sa vlog.

Nun’g una raw ay sobrang kabado sila ni Nash at hindi raw makapag-concentrate ang aktor.

“Pero nairaos dahil ok ang set namin, everyone was so kind and so warm sa amin. Ayun, nag-warm up din naman si Nashie tapos maya-maya, hindi na rin siya kinakabahan,” sey ni Mika.

Leave A Reply

Your email address will not be published.