Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mika nakiuso

0 105

NAKIHALO na Rin ang miyembro ng Philippine women’s national volleyball squad na si Mika Reyes sa mga kasamahan nito sa komunidad ng volleyball na nahihilig sa paggamit ng bisIkleta.

“Shoes on, get up in the morn’. Cup of milk, let’s rock and roll,” sabi ni Reyes sa Instagram nito na @reyesmikaaa.

SM food to go Banner Ad

Marami na sa mga kasamahan ni Reyes hindi lamang sa pambansang koponan ang nahihilig na sa pagbibisIkleta kundi pati na rin ang mga coaches at referees na kabilang sa iba’t ibang liga.

Nabaling ang hilig ni Reyes sa pagbibisekleta dahil sa patuloy na pagbabawal na magsagawa ng puspusang training ang mga atleta at hindi pa din pagpayag na tuluyang magbukas na muli ang mga pinaglalaruan nitong liga.

Wala pa ring balita kung kalian magbabalik ang mga aksiyon sa Philippine SuperLiga (PSL) kung saan middle blocker ng koponang Sta. Lucia Lady Realtors si Reyes. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.