Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mika naging vlogger habang may Covid

0 259

Kani-kanyang diskarte ang mga volleybelle upang mapaglabanan ang mahigit limang buwan ng Coronavirus Disease 2019.

Para kay Philippine SuperLiga (PSL) player Mika Aereen Reyes ng Sta. Lucia Lady Realtors pagkakansela ng 8th PSL Grand Prix 2020 noong Marso, inuubos na niya ang kanyang panahon sa kanyang pamilya at naglilibang din sa pamamagitan ng pagba-vlogging.

SM food to go Banner Ad

“Na-maximize ko naman ‘yung time ko with my family kasi lagi ko silang sinasama, lagi ko silang pinipilit na mag-vlog with me,” wika ng 26-anyos, 6-0 ang taas at tubong Pulilan, Bulacan na middle hitter sa kapwa volleyball star Abigail ‘Aby’ Maraño sa Usapang PSL Podcast With Tyang.

Hinirit pa kamakailan ng dalagang dating national player at produkto ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at De La Salle University Lady Spikers na nakapaglaro na sa tatlong iba pang team sa Liga – Meralco, F2 Logistics Carggo Movers at Petron Blaze Spikers:

“And I think for the past three months, medyo nasagad ko na yung air time nila sa vlog ko pero keri lang.” (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.