Abante Tonite Interactive

Mikael busog sa kaligayahan kay Megan

371

Nagparamdam na ng kanyang pagiging Miss World si Megan Young. Makapigil-hininga ang latest Instagram photo nito na kuha sa white sand ng Camiguin ­Island.

Nakaka-wow ang photo shot nito habang nakatagilid sa buhanginan. Animo’y isang buhay na painting na iginuhit ng isang mahusay na art painter.

Maituturing na pinakamagandang ­human specie ang hitsura ni Megan sa pagkaka-display ng kanyang ka­seksihan.

Ang pagkakalatag niya ng kanyang pigura ay talaga namang isang pagpapatunay na gifted ang aktres.

Mula sa kanyang buhok, mukha, leeg, balikat, dibdib, tiyan, ba­lakang at mahabang legs walang maipipintas ang kagandahan ng Kapuso star.

Nasahugan pa ito ng kanyang makitid na waistline at magandang hubog ng kanyang balakang.

Tunay naman talagang Queen na matatawag sa kanyang “classic” beauty.

Ang kariktan nito ay sapat na para lumuhod at sumamba sa kanya ang sinumang lalake.

Pagsama-samahin pa ang ibang mga bagong kandidata sa taong ito ng Miss World, wala pa ring panama sa angas ng ganda nito.

Sinumang barako ay gugustuhing halikan ang buo niyang katawan, simula sa kanyang buhok pababa hanggang talampakan.

Napakapalad talaga ni Mikael Daez dahil marami namang puwedeng pagpiliang lalake na higit pa sa katangian niya at handang ibigay ang buong mundo sa kanyang paanan, ang Kapuso hunk pa ang napagbigyan ng kanyang tiwala at pag-ibig.
Kung iisipin, nahihiga sa walang kapantay na kaligayahan si ­Mikael kay Megan.