Abante Tonite Interactive

Mike Arroyo ‘di nakatiis, sumawsaw

By
3,502

Sumawsaw na rin sa usapin ng muling pagpapakulong kay Senador Antonio Trillanes IV, si dating First Gentleman Jose Miguel ‘Mike’ Arroyo.

“Trillanes, Man up you coward. Instead of hiding in the senate, surrender to the authorities and prepare for your defense,”diin ng asawa ni dating Pangulo at ngayon ay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa ipinost nito sa Facebook.

Matatandaan na si Trillanes at mga kasamahan sa Magdalo ay nag­lunsad ng mutiny laban sa Arroyo administration noong Hulyo 2003 subalit makalipas ang 24 oras ay sumuko rin sa awtoridad.

Habang nakakulong, tumakbo noong 2007 senatorial elections si Trillanes at nanalo.

Ipinagkaloob naman ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang amnesty kay Trillanes noong 2011 subalit binawi naman ito ni Pangulong Rod­rigo Duterte nang magpalabas ng Proclamation No. 572.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, malakas sa dating admi­nistrasyon si Trillanes kaya nabigyan ng amnestiya.