Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mike Arroyo may cancer – Gloria

0 289

Nabanggit ng dating pangulo at House speaker Gloria Macapagal-Arroyo na na-diagnose na may kanser ang kanyang mister na si dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo dalawang taon na ang nakakaraan.

Sa kanyang pagsasalita sa necrological service para kay dating Occidental Mindoro Rep. Ma. Amelita `Girlie’ Villarosa inilahad ni Arroyo ang pagkakasakit ng kanyang mister habang ginugunita ang mga ala-ala ng yumaong kaibigan.

Kuwento ni Arroyo, sinabi sa kanya ni Villarosa na may cancer siya bago umalis para magpagamot sa Mount Elizabeth Hospital sa Singapore.

Matapos na ma-diagnose aniya na may cancer din si Mike Arroyo dalawang taon na ang nakalipas, tinulungan umano sila ni Villarosa na maghanap ng doktor sa Mount Elizabeth Hospital at inayos rin na mabigyan ng malaking diskuwento ang kanyang mister sa tutuluyan nitong 5-star hotel.(Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.