Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mike Enriquez nag-sorry kay Ivan

0 365

NI: ARCHIE LIAO

Umani ng samu’t-saring reaksyon ang pagkakamali umano ng beteranong broadcast journalist at news anchor na si Mike Enriquez sa live airing ng 24 Oras kamakailan.

Sa halip na magpakilala bilang Mike, in-introduce niya ang sarili sa ibang katauhan nang sabihin niyang “Ako po si Ivan.”

Natawa at nalito ang co-anchor nitong si Mel Tiangco at agad namang kinorek ang tanyag na Imbestigador host.

“Hindi ikaw si Ivan. Hindi ikaw, Mike,” sey ni Mel kay Mike.

Maging si Ivan ay nagulat sa maling pagpapakilala ni Mike sa sarili.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pagkatapos magkatawanan nina Mel at Ivan, humingi naman ng paumanhin si Mike.

“Ako po si Mike Enriquez na humihingi ng pasensiya kay Ivan Mayrina,” pagtutuwid niya.

Sey ng mga netizen, nag-uulyanin na raw ang batikang newscaster.

Hirit pa nila, baka epekto raw ito ng pagkakasakit nito noon.

Matatandaang noong 2018, nag-leave si Mike sa 24 Oras at Saksi sa Dobol B dahil sa kanyang kidney disease at bypass operation.

Pagtatanggol naman kay Mike baka nagbiro lang na mali ang pakilala sa sarili.

Leave A Reply

Your email address will not be published.