Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mike, Mel trending sa kapalpakan

0 72

NI: BETH GELENA

Trending sa social media ang closing spiels ng mga host ng GMA News program na sina Jessica Soho, Mike Enriquez at Mel Tiangco lalo na sa parte ng huli.

Nagsalita na si Jessica ng kanyang closing spiels which is ang kanilang slogan na

“Patuloy po ninyong maaasahan ang GMA News and Pubblic Affairs sa paghahatid ng serbisyong totoo na walang kinikilingan.”

Na susundan dapat ni Mel nang “walang kasinungalingan.” pero ang nabanggit daw agad ng newscaster ay “…at walang pinoprotektahan.”

Na-miss daw kasi ang dapat na naunang “walang kasinungingan.”

Habang nagi-spiel pa si Mel narinig ni Mike ang “at” pero agad niyang na-realize na hindi pa niya turn kaya pinatapos muna niyang magsalita si Mel.

Nang si Mike na ang nag-proceed ng kanyang standard lines kung saan nag-umpisa uli siya sa “at” na address sa mga Kapuso viewers. Humingi rin siya ng sorry kay Mel dahil na-interrupt niya ito.

Napuna ng mga netizen na hindi nabanggit ni Mel ang phrase na “walang kasinungalingan,”

May paliwanag naman ang GMA-7 sa isyung ito.

“What happened was a production glitch, which happens to most live shows. It’s not Ms. Mel Tiangco’s fault.

“GMA remains committed to our mantra walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, walang kasinungalingan.”

Matatandaang nu’ng May 9 din sa 24 Oras, nai-report ni Enriquez na ang kasama ng vice presidentiable na si Senator Kiko Pangilinan ay ang misis nitong si “Helen Gamboa” instead na si Megastar na si Sharon Cuneta.

Hmmm… mukhang nagiging mali-mali na yata ang mga news anchor ng Kapuso Network.

Leave A Reply

Your email address will not be published.