Abante Tonite Interactive

Mike Tan itinago ang kasal

By
3,493

IKINAGULAT namin na ikinasal na pala ang Kapuso star na si Mike Tan sa kanyang longtime girlfriend of 11 or 12 years.

Hindi kami nagulat na nauwi sa kasalan ang relasyon nila dahil sa tagal pero, ang ikinagulat namin ay ang tila outright na pagsisinungaling niya sa huling pagkakataon na nakausap namin siya at ibang press nitong December lang nang dumalaw kami sa taping ng bago nilang serye ni Yasmien Kurdi sa Kapuso network, ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Ilang beses tinanong si Mike tungkol sa kasal. Tinanong din namin siya na baka nakapag-propose na siya, pero napaka-kaswal ng pagsisinungaling ni Mike tungkol dito.

Bilang mga artista, isa kami sa mga nakakaunawa kapag gusto ng mga ito, tulad na lang ang kasal na ilihim o gawing pribado o intimate. At dito mo maa-appreciate ang mga artistang kahit lihim pa ang kasal nila, kayang magtapat lalo na kung malapit sa kanila ang press at sabihing off-the-record o ‘wag na lang isulat.

Base sa mga larawang ipinost ng manager na si Noel Ferrer, mukhang matagal nang pinagplanuhan ang kasal at hindi ‘yung tipong nu’ng Linggo lang din ba ‘yun nag-propose at ikinasal sila na naisipang sige nga, pakasal na tayo.

Well, baka mas kumportable si Mike na maghabi ng kasinungalingan kesa magsabi ng totoo at makiusap na gawing confidential o pribado muna.