Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mike trip si Aga

0 49

Type ni Quezon City mayoralty candidate Mike Defensor si Aga Muhlach kung sino ang artistang gusto niyang gumanap kung sakaling isasalin sa movie ang life story niya.

“Hindi naman makulay ang buhay ko. Hahaha! Eh, si Aga Muhlach siguro dahil baka puwede na siya sa tangkad ko,” pakli ni Rep. Mike.

A man of action at may malaking puso sa mga may sakit at nangangailangan si Defensor. Kaya naman sinasabi ng mga taga-Quezon City na tamang-tama siya para maging future dad dala na rin ng sipag at tiyaga .

SM food to go Banner Ad

Actually ,ayaw pala ng family niyang tumakbo siyang alkalde ng Quezon City pero ang calling niya para makapagsilbi ay nangibabaw.Ipinaliwanag niya ito sa kanyang pamilya.

“’Sabi niya-tayo ba nakakakain nang tatlong beses isang araw?’ Sabi ko, ‘yes.’ ‘Tayo ba may bubong na natitirhan?’ Sabi ko, ‘yes.’ ‘Tayo ba ay may sapat na ipon para mamuhay ng komportable?’ Sabi ko, ‘yes.’ Well, sabi pa niya, ‘hindi lang tayo ang may karapatan for a good life kundi pati na ang mga kababayan natin. We have to do something para ma-address ang kahirapan, pabahay, medisina at kung ano-ano pang kailangan lalo na sa Quezon City na sumasakop sa atin.’

Ang maganda kay Mike, napakalinaw ng kanyang mga adhikain. Gusto niyang umunlad ang natutulog na Quezon City at umangat ang buhay ng mga residente nito. (Roldan Castro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.