Abante Tonite Interactive

Mike Ubac in, Roque out sa Luntian Party-list

325

Isang editor ng broadsheet newspaper at kilalang ‘climate change champion’ ang humalili kay dating­ presidential spokesperson Harry Roque bilang nominado ng Luntiang Pilipinas Party-list sa halalan ng party-list sa 2019.

Kinumpirma ni Mike Ubac sa interview ng Tonite ang nominasyon niya sa party-list group, pero kaila­ngan pa itong aprobahan ng Commission on Elections (Comelec) oras na ilabas ang listahan ng mga opi­syal na nominado ng party-list organization sa Disyembre.

“Kung maa-approve, sa February­ na ako magre-resign sa Inquirer,” wika ni Ubac na siyang day desk chief ng nasabing pahayagan.

Sa Pebrero pa aarangkada ang kampanya ng mga kandidato sa pagka-senador at mga party-list representative.
Hindi tulad ni Roque, si Ubac ay isa sa kilalang climate change warrior.

Noong magtapos ito ng masters program sa Harvard University, napiling ‘best thesis’ ang kanyang napapanahong research na may titulong “Building Climate Resiliency in the Philippines: A Bottom-up Approach to Implementing Disaster Risk Reduction (DDR) Strategies Through Analysis of the Impacts of Super­typhoon Yolanda in 2013.”