Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mikee aminadong inggitera

0 441

NI: ROLDAN CASTRO

Buong ningning na inamin ni Mikee Quintos na minsan ay nakakaramdam din siya ng inggit. Tao lang daw siya.

Pinipilit niya iwasan ‘yun pero normal lang naman sa isang indibidwal na makapag-isip ng negatibo.

Pero kinokontrol niya yun para maging magandang halimbawa sa kanyang mga tagahanga.

Marami ang nagsasabi kay Mikee na masaya ang buhay niya. Nagagawa niya kung ano ang gusto niya pero sa reyalidad ay may mga bagay rin na nakakainggit sa buhay ng iba.

Pero na-realize niya na hindi lahat ng bagay ay ibinibigay ng Diyos sa isang nilalang. So, kesa sayangin niya ang oras niya na mainggit magpasalamat na lang siya at i-enjoy kung ano ang meron siya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.