Abante Tonite Interactive

Mikee-Anthony may rebelasyon sa concert

336

By Ronaline Avecilla

Sa kauna-unahang pagkakataon, magkakasama sa iisang concert ang Kapuso actress na si Mikee Quintos at ang “The Clash” alumnus na si Anthony Rosaldo.

Join-force ang dalawa sa concert na may pinamagatang “Revelation” sa darating na June 28, 8pm sa Music Museum.

Ito siyempre ay panibagong achievement sa karera ni Mikee.

Ibinahagi niya na maraming dapat abangan sa kanilang concert. Aniya, “Expect a lot of surprises from Anthony and I. We want to push our boundaries.­ We’re still exploring, pero sana mag-enjoy ‘yung mga audience sa mga inihanda naming production numbers. But for sure, it’s something new from us.”

Samantala, excited naman si Anthony na makasama si Mikee. Sinisigurado niya na kakaibang music experience ang ibibigay nila sa mga manonood.

“Napakagaan ka-work ni Mikee. Very dedicated siya sa trabaho and makikita mo talagang passion niya ang music. Marami kaming ipakikita rito na we haven’t done on TV. Dito namin ipapamalas ‘yung versatility namin pagdating sa pagkanta at pagsayaw,” ani Anthony.

Special guests sa concert sina Solenn Heussaff at Aicelle Santos. Pasabog ang ‘90s medley sa concert, today’s chart-topping songs, OPM dance hits, at mala-broadway na performance.

Ang concert ay inihanda ng JPI Entertainment, habang ang “Revelation” ay nasa ilalim ng direksyon ni Paulo Infante.