Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mikee: IOC palaro puwede sa ‘Pinas

0 194

Naniniwala si newly-elected International Olympic Committee (IOC) Executive Board Member at Repesentative to the Philippines Mikaela Maria Antonio ‘Mikee’ Cojuangco-Jaworksi na may kakayanan ang bansa na makapag-host ng mas malalaking torneo, higit pa sa nakaraang Disyembre na matagumpay na 30th Southeast Asian Games PH 2019.

“Hosting a sportsfest far bigger than the SEA Games last year can be a feasible undertaking for the Philippines,” pahayag kahapon ng opisyal.

Kumbinsido siya na mataas ang kakayanan ng local organizers na mamahala ng mga torneo at mas magiging mahusay kung masasanay sa mga susunod na mga pagtataguyod pa.

“It’s very doable,” panapos na wika ng 2002 Busan Asian Games equestrian gold medallst na si Cojuangco-Jaworski sa pagnanais na maisagawa sa susunod na ilang taon sa ‘Pinas ang Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) at Asian Beach Games. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.