Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mikee, Jamie may isisiwalat

0 228

Kaabang-abang ang special two-part session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum, ngayong Martes sa pag-guest nina newly-elected International Olympic Committee (IOC) Executive Board member Mikee Cojuangco-Jaworski at 2019 Southeast Asian Games karate gold medal winner Jamie Christine Lim sa webcast edition ng weekly program.

Ibabahagi ni Cojuangco-Jaworski, na isa ring IOC representative para sa bansa, ang halaga sa PH sports ng kanyang pagkahalal bilang board member ng Olympic body sa talakayang mga hatid ng San Miguel Corp., Go For Gold, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant at Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor), katuwang din ang Smart at Upstream Media bilang webcast partner.

Makakasama naman ni Lim, anak ni basketball legend Avelino ‘Samboy’ Lim Jr., sa programa sina Nestlé Philippines-MILO Assistant Vice President Lester Castillo at Richard Lim ng Association for the Advancement of Karatedo upang talakayin ang MILO Home Court, isang online sports program para sa mga kabataan.

Mapanood ang forum via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at Radyo Pilipinas 2 FB page, sa alas-10 nang umaga. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.