Abante Tonite Interactive

Mikee keri magmahal sa unano

0 191

tonite-this-is-it-roldan-castroMagtatapos nga­yong Biyernes ang “Onanay” ng GMA-7.

Anong natutunan ni Mikee Quintos sa tele­seryeng ito?

“Sobrang dami po. Both, dahil sa character ni Maila and sa personal life, like sa personal experiences, like working for this show. Ilang months din ‘yung ‘Onanay’? ­August. I think we started shooting ng July. Mga 7-8 months, half a year din. ‘Yung struggles ko with school and work, na-test siya dito sa ‘Onanay’ talaga,” paglalahad niya.

Sa palagay ba niya, ­posibleng ang midget at ang isang mataas ay magka-inlaban?

“Oo naman po. ‘Yung parents ni Onay ganoon, ‘yung parents ni Jo Berry ‘yun sila… very real as in. I’m gonna be honest, sinabi ko nga ‘to eh na parang dito rin sa ‘Onanay’ ko na-disco­ver ‘yun na dati ang tingin ko sa mga teleserye parang ‘Grabeng drama naman ‘yan! Nangyayari ba ‘yan sa totoong buhay?’ Gano’n. ‘Yung mga typical na mga tao kapag ‘OA naman! Talaga hindi ba kayo magkikita?’ Pero, throughout the show, people have been messaging me stories nila na bakit sila nakaka-relate, and it’s very real. As in, wait akala ko pang-teleserye lang ‘yung mga ganitong istorya pero hindi, nangyayari siya sa totoong buhay. Na-open talaga ‘yung eyes ko na, “Oh my God, it can happen,” paglalahad niya.

Puwede ba siya magkaroon ng boyfriend na unano?

“Bakit po hindi? I mean ako, ‘yung totoo, si Mikee, inaasar ako ng mga kapatid ko at ng parents ko na hindi ako maarte sa looks as in inaasar ako ng mommy ko na bulag ako eh. So, gano’n pagdating sa love life kasi nahuhulog po talaga ako sa personality ‘pag napapatawa ako. Plus na lang ‘yung looks, kung may itsura siya pero.. ‘yung height! All over, physical. Ang importante ‘yung loob,” deklara niya.

Ano ang feeling sa pagwa­wakas ng “Onanay”?

“‘Yun nga, medyo emotional nga kaming lahat. Inaa­sar ko si Jo kasi alam kong first show niya and grabe din ‘yung naging attachment ko sa ­‘Encantadia’ na unang show ko. Alam ko ‘yung feeling ­niyan, ang hirap. Pa-advice-advice pa ako na ‘Di, okay lang ‘yan. Masasanay ka din. Magkakaroon ka ng bagong show.’

“Kasi ilang araw sa isang linggo kami magkakasama. Dami naming.. umiyak na kami, tumawa na kami ng magkakasama so ‘yun nga inaasar ko si Jo pero na-realize ko lang a few days ago na nasa-sad din pala ako. But I’m thankful, it was a long run and andami kong na-build na bagong friendship,” aniya pa.