Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mikee, Kira nangangamoy salpukan

0 300

Marami ang aliw na aliw ngayon sa tambalan nina Kira Balinger at Grae Fernandez. Silang dalawa ang dahilan kung bakit ang mga millennial, eh adik na adik sa sa dramang sila ay kasama, “Ang Sa Iyo Akin.”

Ang kanilang mga katauhang sina Hope at Jake, pwedeng ihalintulad sa star crossed lovers belonging to warring clans na mala-Romeo and Juliet. Pasok na pasok rin sila bilang Heathcliif and Catherine sa “Wuthering Heights” na literal na you and me against the world angmga kaganapan.

Ang panalo kina Kira and Grae, panalo ang on screen chemistry bagay na bagay ang dalawa at yes oh yes, marunong umarte. May bago namang love team sa Star Magic kingdom na talagang susubaybayan.

Siyempre sa Kamuning station, hindi rin magpapakabog ang kanilang mga panlaban, sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda sa “The Lost Recipe.”

Hindi pwedeng i-the WHO si Quintos dahil huli itong nagmarka bilang kababata ni Alden Richards na hopelessly devoted and in love kay Tisoy sa “The Gift.” Mas lalong hindi pwedeng pagdabugan ng bangs si Miranda dahil siya lang namang ang isa sa hinangaan sa Mikhail Red’s “Dead Kids.
Fresh na fresh ang kombinasyong Mikee at Kelvin kaya tiyak, maraming Kapuso panatiko ang aroused ang curiosity dahil sa kanila.

Paano kaya kung may isang mapangahas na producer ang biglang mawala ang nerbiyos at i-green light ang isang proyekto,ng pampelikula, ang lifestory ni Christine Dacera, kanino kaya mas babagay, kay Kira o kay Mikee?

Hindi pwedeng deadmahin ang nangyari kay Bb. Dacera dahil maliban sa pangmalakasan ang panawagang Justice For Christine Dacera, this sordid tale is one for the books dahil nga kahindik-hindik ang nangyari. Party with friends na ang kinahantungan ay trahedyang kagimbal-gimbal.

Kaya career defining role ito kung saka-sakali para kay Balinger at Quintos. Hindi ba naman?

Masarap paglaruin ang imahinasyon tungkol sa hindi mapipigilang banggaan nina Kira Balinger at Mikee Quitos, kasama ang kanilang mga partner na sina Grae Fernandez at Kelvin Miranda.

BB panis ang alindog kina Kevin, Francine, Trixie

Ewan ko ba naman kung bakit ako naengganyo ni kumareng ultra maldita na panoorin ang bagong paandar nitong si BB. Gandanghari.

Nagngangawa daw kasi ito at humihingi ng paumahin sa kanyang kapatid, sa dalawang seasoned female entertainment journalists at sa lalaking sinabi niyang ka-close niya.

Sa halos isang buong oras niyang hanash at juda na may portions na napahikab yata ako at parang nakatulog dahil sa kanyang baklang-baklang pamamaraan ng pagsasalita, may portions nga na lumuluha siya, nagsisi sa kanyang mga kapangahasan.

Nagtatlong isip na ako kung sisimulan ko pa bang muli sa simula para marinig muli ang kanyang 40 day fasting eme, transitioning to another gender kiyeme latik at kung ano-ano pang pagbabago sa kanyang claim of transwomanhood.

Kung talagang si BB ay nagho-hormone therapy na for several years dahil 2009 siya biglang bumulaga, dapat susuhan at balakangin na siya, banat na banat ang balat at talagang ka-level na niya ang ganda nina Kevin Balot, Trixie Maristela at Francine Garcia.

Kaso, no way near ang alindog at rikit ni Gandanghari sa mga binanggit kong supersireyna.

Kaya, pag nakita ko talaga sa personal si kumareng ultra maldita, pipingutin ko sa tenga kasi nga nakakahikab at nakakabagot ang mga pralala ni BB Gandanghari.

Leave A Reply

Your email address will not be published.