Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mikey astig nitong Oct 13-17

0 95

Tinanghal na Player of the Week ng PBA Press Corps Philippine Cup semis para sa Oct. 13-17 si TNT rookie Mikey Williams na tinulungan ang Tropang Giga na makaakyat sa best-of-seven Finals.

Malaking tulong para sa top seed team ang naging performance ng no. 4 overall pick upang manaig sa fourth seed San Miguel Beer sa knockoutGame 7 nitong Linggo, 97-79. May 20 points, 8 rebounds at 6 assists siya.

SM food to go Banner Ad

Bilang huling Cignal Play-PBA Press Corps Player of the Week ng All-Filipino conference, nagtala si Williams ng average na 15.7 points, 45% shooting downtown (10-of-22), 5.0 assists at 4.0 rebounds. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.