Abante Tonite Interactive

Mikey Bustos pakakasalan ang nobyo sa Taiwan

742

Legal na sa Taipei, Taiwan ang same sex marriage. Dahil dito, tinanong si Mikey Bustos kung may balak sila ng partner niyang si RJ Cruz na magpakasal sila roon.

“Who knows, maybe sometime in the future but going to Taiwan with my partner was actually really need because it’s our first vacation out of the country as couple,” pakli niya.

Anyway, si Mikey ang napili para i-promote ang Taipei. Sa nasabing event, inawit ni Mikey ang “Undiscovered Taipei” na hinalo sa tradisyonal na opera ng Taiwan na “seven-word tune”. Ang masaya at malikhaing performance ay nakatakdang magsimula ng bagong trend.

Ayon sa commissioner ng Department of Information and Tourism ng Taipei na si Yi-ting Liu, ang desisyon para maimbitahan si Mikey ay dahil sa tagumpay ng kaniyang awitin na “My New Crushie”, na nakakuha ng million views sa mga major social networking websites nitong nakaraang taon. Maraming netizen ang nakakuha ng interest kay Mikey. Mas marami tuloy na Filipino tou-rist ang nae-enggangyong bumisita sa sa Taipei upang masubukan ang hindi pa nakikita sa lungsod.

Ipinari-nig ni Mikey ang kanyang latest song na” I Showed My Parents Taipei” . Ang awitin ay catchy at nakakaindak. Ayon kay Mikey, ang music video ay ipinapakita ang iba’t ibang lokasyon na hindi pa niya napupuntahan.

“The most interesting part is in the Beitou Hot Spring, because there is a comfortable spring pool in the room. We also tasted tea served in a whisky glass in a hipster tea bar. It was a relaxing experience full of surprises. Also, we had a great time filming on Yangmingshan. The flower sea of hydrangea and Xiaoyukeng, a scenic part on the mountain, is absolutely stunning,” Ani Mikey.

Samantala, ang Department of Information and Tourism ng Taipei ay lumikop ng mga sikat na negosyong nagpapakita ng mga authentic at classic dishes ng kanilang bansa. Kabilang na rito ang bestselling breakfast shop na Zhenfang’s Taiwanese-styled omelete at fresh milk tea combo, Taipei’s spicy hotpot chain Mantanghung’s Sichuan-styled beef dried noodle, at marami pang iba.

Ang online travel experience provider na Klook ay naghanda ng exclusive Taipei experience set, kasama ang Taipei’s double-decker sightseeing bus at mga sikat na hotel na madalas i-inquire ng mga Pinoy sa kanilang lungsod. (Ronaline Avecilla)