Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Miko kakalas na sa Bidaman

0 128

Nawalan na pala ng exposure ang Bidaman na si Miko Gallardo sa “It’s Showtime” mula nang magka-pandemya.

Ito ang inamin niya nang mag-guest siya sa live streaming namin sa KUMU Roldilicious account tuwing 9PM.

Pero say ng kanyang manager na si Amanda Salas ng Mannix Carancho Talent Management, hinihintay lang nila ang desisyon ng Showtime kung ano ang plano nila sa alaga niya. Pero kung wala na ay posibleng kumalas na sa Bidaman ang aktor.

Anyway, mas napansin si Miko ngayon dahil sa pagbibida niya sa BL serye na “My Day”. Balitang may second season ito, gagawin pa rin ba ito ni Miko?

“If the price is right,” sagot ni Amanda.

Willing naman daw nilang tanggapin ito basta’t maayos silang makipag-usap sa management. Naghihintay lang naman daw sila para kausapin . Trabaho raw ‘yun para tanggihan.

Gusto lang nila ay nasa ‘ayos’ ang lahat. Kumbaga, dinadaan sa management ang schedule ni Miko pag nagti-taping bilang respeto at tamang protocol.

Bukod dito, may bagong online show si Miko sa Prestige TV. Ito ‘yung Kwentong Prestige na mapapanood simula sa Sabado, 7 PM sa Prestige International official YouTube channel. Segment host siya at si CJ Reyes ang main host.
Nakatakdang pumirma ang aktor sa Biyernes ng kontrata para sa pangalawang taon niya sa Prestige bilang endorser.

Si Miko ay contract star ng Regal Entertainment.Una niyang gibnawa ang pelikulang “Us Again”.

Pak!

Sanya pinili ang dream house kesa lovelife

Inamin ni Sanya Lopez na isinakripisyo niya ang kanyang ‘lovelife’ upang maipatayo ang kanyang dream house.

Sinariwa niya ang kanyang pinagdaanan bago siya nakabili ng sariling bahay sa Quezon City.

“Dati kasi, para akong nakatira sa isang maliit na apartment, sa Valenzuela ‘yon, isang room lang tapos paglabas mo, nandoon na lahat, napakaliit, halos hindi kasya ‘yung mga gamit,” kuwento ni Sanya sa 24 Oras.

“Biggest sacrifice siguro hindi ko [naging priority] ‘yung lovelife. Pero feeling ko malaking factor talaga ‘yung love life pagdating sa pag-iipon for me, kasi siguro kung siningit ko ‘yun, hindi ako masyadong focus,” dagdag pa niya.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.