Abante Tonite Interactive

Milano, trangko sa ika-3 trono ng AU

By
1,118

Kumalawit ng gold medal sa 4×400-meter relay ang Arellano University sa pangunguna ni Christian Milano upang sikwatin ang pangatlong sunod na titulo sa seniors’ division ng 93rd NCAA track and field champion­ship noong Lunes sa PhilSports Complex track Oval, Pasig City.

Itinodo nina Milano, Reynaldo Gimoto, Christian Traje at Billy Boy Endrina ang kanilang lakas upang mahablot ang gold matapos irehistro ang tatlong minuto at 25.05 segundo.

Nakalikom ang Chiefs ng total 802.5 points, sapat para makopo ang third straight title at ungu­san ang Mapua University at Jose Rizal University na tumapos ng second at third place sa tinalang 640.5 at 370 points ayon sa pagkakasunod.

Ang nasabing event ay inorganisa ni Francisco Gusi ng University of Perpetual Help System Dalta.

Hinablot ni Milano ang 400m hurdles gold habang sumilo rin ng gold ang mga pambato ng Arellano na sina Aristeo dela Pena, (long jump) at John Carlos Corpuz, (discus throw).

Pangatlong seniors crown ng AU ngayong season matapos nilang manalo na rin sa women’s volleyball at women’s badminton.

“We are now reaping the fruits of a reinvigorated program and hopefully, we will go for a four-peat next season,” saad ni Pedro ‘Peter’ Cayco, AU’s Management Committee representative. (Elech Dawa)