Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Milby tatakbong POC 2nd VP

0 83

Isiniwalat ni Philippine Olympic Committee presidential candidate Jesus Clint Aranas ang dalawa niyang running mate para sa posisyong chairman at vice-presidents sa eleksiyon ng POC executive board sa Nobyembre 27.

Ayon nitong Huwebes sa pangulo ng National Archery Association of the Philippines (NAAP), muling tatakbong chairman si Stephen Hontiveros na lider ng Philippine Handball Federation (PHF), habang si Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico ang first vice-president candidate.

Isinama rin sa tiket si Philippine Rugby Football Union president Ada Milby, na orihinal na nagsabi na tatakbong independent para sa second vice-president pero nagpaampon sa makakalaban ni POC incumbent president Abraham Tolentino. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.