Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mild, asymptomatic `ikukulong’ sa hotel

0 468

Balak ng gobyerno na maglagay pa ng karagdagang quarantine facility kasunod ng hakbang na ilipat ang mga mild at asymptomatic sa COVID-19 sa temporary treatment at isolation site.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nakahanda na ang mga kinatawan ng gobyerno na makipag-usap sa mga may-ari ng hotel at iba pang katulad na establisimiyento para maging quarantine facility ng mga mild at asymptomatic sa COVID-19.

Pinapayagan ng gobyerno na mag-self quarantine ang mga may mild symptom sa bahay kaya lamang dapat na may sarili itong kuwarto, banyo at walang kasamang “vulnerable individuals” sa bahay o iyong madaling dapuan ng COVID-19. Ang hindi makakatugon sa requirement na ito ay dadalhin sa mga quarantine facility ng gobyerno. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.