Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Miles ‘tinik’ kina Kokoy, Elijah

0 95

Dahil may dyowa na si Elijah Canlas sa katauhan ni Miles Ocampo, marami ang nagsasabing posibleng mabuwag na ang BL tandem na “EliKoy”.

Ang EliKoy kasi ang itinuturing na BL love team na namayagpag noong panahon ng pandemya.

Nagkaroon din ito ng following sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

Tinangkilik din ito ng mga girls at guys lalo na doon sa mga naniniwala sa pagiging fluid.

Sa pag-amin ni Elijah na si Miles na ang bago niyang inspirasyon, lumalabas na ‘tinik’naman ang Eat Bulaga host sa EliKoy fans.

May ilang possessive fans din na type sabunutan ang aktres dahil sa umanoý panira ito sa pantasya nila sa BL love team.

Ngayon naman, naiisyu naman si Kokoy de Santos sa katrabaho niyang si Angel Guardian sa bagong GMA-7 show na “Running Man Philippines”.

May mga nang-uurot na nagka-developan na raw ang dalawa habang nagti-taping .

Sina Kokoy at Angel ay dalawa lamang sa pitong participants sa nasabing reality show.

Ang iba pang miyembro ay sina Glaiza de Castro, Mikael Daez, Ruru Madrid, Buboy Villar at Lexi Gonzales.

Kung totoo man ito, ibig bang sabihin nito ay goodbye na ang EliKoy sa isa’t -isa?

Leave A Reply

Your email address will not be published.