Abante Tonite Interactive

Miley – Cody nagpagkain sa mga health worker

670

NI: RONA RONDA

Sa kabila ng ipinatupad na lockdown, hindi ito dahilan para ‘di magpaabot ng tulong ang celebrity couple na sina Miley Cyrus at Cody Simpson.

Sinorpresa nila ang mga healthcare workers sa Los Angeles. Nagpadala sila ng 120 tacos sa isang lokal na ospital.

Ibinahagi ito ni Cody sa kanyang Instagram. Saad ng caption, “Tacos for the incredible healthcare workers at our local hospital!”

Bilang encouragement, isa-isa rin nilang sinulatan ang paper bags ng tacos.

“Thank you for your support. Stay strong,” saad ng note.

Bukod pa riyan, nakipag-team up na rin si Miley sa MAC Cosmetics para matulungan ang mga apektado ng coronavirus. Inaasahan ni Miley na makakalikom sila ng $10 milyong dolyar.

Tonite – Wendys Inhouse Ad