Abante Tonite Interactive

Miley Cyrus huli sa aktong nakikipaghalikan kay Kaitlynn Carter

752

HOLLYWOOD

Nakipaghiwalay na si Miley Cyrus kay Liam Hemsworth.­ Kasalukuyang­ nagbabakasyon ito sa Lake Como kasama si Kaitlynn Carter.

Ang dalawang blonde babes ay nakuhanan ng litrato habang magkasama noong Biyernes. Parehong nakasuot ng napaka­seksing bikini swimsuit na sobra ang pagpi-PDA habang nagbibilad sa araw .

Makikitang magkayakap sila at panay ang halikan. Sabay rin silang lumubog sa pool habang nagsi-swim sa Il Sereno hotel.

“They were not trying to hide it at all,” ayon pa sa isang eyewitness na nakasaksi sa walang puknat na paglalambingan nina Cyrus at Carter. “There were other people sitting by the pool.”

Idinagdag pa ng nakasaksi sa PDA nina Miley at Kaitlynn….. “They were fully on a date, getting drinks, just the two of them. They even got a couple of massages at the hotel,” dagdag impormasyon pa ng saksi.

Halata raw na talagang sinusulit nina Cyrus at Carter ang pagkakataong nagkasama sila sa isang nakakarelaks na bakasyon.

Anyway, halos madurog ang puso ng mga tagahanga nina Cyrus at Hemsworth nang marinig ang balitang hiwalayan ng dalawa.

(Lourdes Fabian)