Abante Tonite Interactive

Miley Cyrus pumiyok sa buntis isyu

301

Mariing pinabulaanan nina Miley Cyrus at Liam Hemsworth ang kumakalat na balita na magkaka-baby na sila. Mabilis na itinanggi ng 26-year-old pop star na buntis siya.

“I’m not ‘Egg-xpec­ting’ but it’s ‘Egg-celent’ to hear everyone is so ‘Happy For Us’ …. we’re happy for us too!” pag­lilinaw pa ni Miley sa kanyang Twitter.

“‘Egg-cited’ for this next chapter in our lives,” saad pa ni Miley, na nag­labas din ng photo featu­ring an egg meme — na tinaguriang most-like Ins­tagram photo— na naka­takip sa kanyang tiyan.

“Now, can everyone leave me alone and go back to staring at an egg,” pakiusap ni Miley sa kanyang mga tagahanga.

Matatandaang nagpakasal sina Miley at Liam last December 27, 2018. Kinumpirma ng ‘Wrecking Ball’ singer ang naganap na very intimate wedding kung saan naglabas siya ng mga larawan ng wedding nila habang nagki-kiss sila.

“This is probably our one – millionth kiss ….” inilagay pang caption ni Miley sa photo nila ni Liam na kuha nu’ng araw ng kasal nila.

Isang taong malapit sa newlyweds ang nagsabing hindi pa handa ang dalawa na maging mga magulang sa mga panahong ito kaya kinumpirma niyang hindi totoong ipinagbubuntis na ni Miley ang first baby nila ni Liam.

“They both love kids, but they’re not in a rush to start a family,” katwiran pa ng source.

Kaya mas safe daw na sabihin na masaya at parehong ini-enjoy nina Miley at Liam ang buhay may asawa sa ngayon kaya hindi pa nila napagtutuunan ng pansin ang pagkakaroon ng anak.