Abante Tonite Interactive

Miley, Liam sikreto ang kasal

295

Usap-usapan ngayon ang sikretong kasalan umano nina Miley Cyrus at ng long-time fiance niya na si Liam Hemsworth.

Bagama’t hindi pa kumpirmado ng celebrity couple na kasal na sila ay ma­lakas ang radar ng mga fan dahil sa mga ebidensya na magpapatunay na officially Mr. and Mrs. Hemsworth na sila.

Kumakalat ngayon sa social media ang mga larawan na ibinahagi ng malapit na kaibigan ng dalawa na si Conrad Carr.

Makikita sa Instagram pictures habang abala ang da­lawa na naghihiwa ng two tier wedding cake. Nakasuot pa nga ang singer ng off shoulder ivory white gown habang naka-black suit naman si Liam. Sa background pa nga ay nakaset-up ang Mr. and Mrs. Balloons, patunay na kasalan nga ang naganap.

Matatandaan na nagkakilala ang dalawa taong 2010 sa set ng “The Last Song” at engaged sila nu’ng 2012 bago naghiwalay nu’ng Setyembre, 2013.

Matindi-tindi rin ang pinagdaanan ni Miley matapos maghiwalay, subalit makalipas ang tatlong taon ay nagkabalikan din ang dalawa. Nag-live in din sila sa bahay nitong nakaraang taon.

Sa kasamaang palad ay nasunog ang bahay nila nitong November dahil sa California wildfire. (Ronaline Avecilla)