Abante Tonite Interactive

Miley nawindang, eroplano 2 beses muntik bumagsak

515

Isiniwalat ng nakatatandang kapatid na babae ni Miley Cyrus na si Brandi na natakot sila. Nalagay raw sila sa peligro. Ang sinasakyan nilang eroplano ay dalawang beses muntik bumagsak nang papunta sila sa UK para sa Glastonbury Music Festival.

Sa umpisa raw ay maganda ang kanilang biyahe hanggang sa kinailangan nilang lumapag sa lupa kaya nag-umpisa na silang kabahan at matakot.

Kasama ni Miley sa naturang biyahe ang kanyang pamilya, ang kanyang management team at ang kanyang banda. Gayunpaman, ang inaa­sahan nilang ligtas na pagbiyahe na walang sagabal ay hindi nangyari.

“Our plane tried to land twice and had to come back up because there were other planes in our way,” ipinaliwanag ni Brandi sa co-host na si Wells Adams sa pinakabagong episode ng kanilang podcast, “Your Favorite Thing.”
Si Brandi, 32, ay muling binalikan ang nakakapangilabot na karanasan nila.

Halos umupo na sa kanyang kandungan si Miley sa takot habang ang kanyang ina na si Tish ay iyak nang iyak. Halos mabaliw daw siya sa nasabing tanawin.

Kinailangan niyang magpakatatag at magkunwaring matapang sa paningin ng kanyang pamilya.

“Miley’s in my lap, my mom’s holding my hand across the aisle and nobody is telling us what’s going on. Out of nowhere, as we’re landing, we swoop back up and like bang to the left and turn. It feels crazy,” pagkukuwento pa ni Brandi.

“They finally come back and tell us…. ‘No need to panic but somebody was in our lane in the sky and we were going to hit them,’” naaalala niyang paliwanag sa kanila.

“That’s terrifying to think about,” saad pa niya. (Lourdes Fabian)