Abante Tonite Interactive

Miley pumapatol sa kapwa babae

427

Aminado si Miley Cyrus na nagkakagusto pa rin siya sa kapwa niya babae kahit na ito ay kasal na sa aktor na si Liam Hemsworth. Naging open siya tungkol sa estado ng kanyang karera at sa kanyang personal na buhay.

Aminado si Cyrus na ang pagpapakasal niya ay hindi nagpabago sa kanyang mga sekswal na kagustuhan. Ayon sa singer, ayaw niyang manatili lamang bilang isang simpleng maybahay. Ayaw rin niyang matawag na madamot sa mga babaeng hindi pa handang magkaanak. Hindi niya ikinahihiyang patuloy pa ring nagkakagusto sa kapwa babae.

“I’m in a hetero relationship, but I still am very sexually attracted to women. People become vegetarian for health reasons, but bacon is still f–king good, and I know that. I think it’s very confusing to people that I’m married,” katuwiran ni Cyrus.

“But my relationship is unique. And I don’t know that I would ever publicly allow people in there because it’s so complex, and modern, and new that I don’t think we’re in a place where people would get it,” saad pa niya.

Sina Miley, Lana Del Rey, at Ariana Grande ay nakita sa Los Angeles noong Sabado habang ginagawa nila ang isang video para sa kanilang bagong track na may titulong “Don’t Call Me Angel”.

Ngayon pa lang ay excited na ang kanilang mga tagahanga sa bagong proyekto ng tatlo at inaabangan na nila ang paglabas ng kanilang new video. Ang awitin nilang “Don’t Call Me Angel” ay inilabas sa isang makabuluhang pinaikling version noong Hunyo 27. (Lourdes ­Fabian)