Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Militar inawat sa naval exercise

0 541

Pinagbawalan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Military na sumali sa naval exercises sa ibang bansa lalo na kung ito ay gagawin sa bahagi ng South China Sea.

Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kamakailan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Paliwanag ni Lorenzana, ito’y para maiwasan ang paglala ng sitwasyon sa lugar at maiwasan ang tensyon.

May utos umano si Pangulong Duterte na hindi papasok ang Pilipinas sa anumang naval exercises sa South China Sea, maliban sa national waters, na may 12-milyang distansya sa ating baybayin.

“We cannot exercise with them in the South China Sea… definitely if one country’s action is considered as belligerent by another, tension will normally rise so I hope that all the parties in this exercise will work on their actions there, to exercise prudence and carefulness so that there will be no miscalculations that could further increase the tension,” sambit ni Lorenzana. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.