Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Militar nangalampag sa ginahasang batang NPA warrior

0 339

HINAMON ng Armed Forces of the Philippines ang grupong Gabriela na tulungan ang isang child warrior ng New People’s Army na humihingi ng tulong sa pagsasampa ng kaso sa isang commander ng rebeldeng grupo dahil umano sa panggagahasa.

Ipinost ng 802nd Infantry “Peerless” Brigade, 8ID, ng Philippine Army, ang isang open letter sa Facebook na sinulat at naka-address sa Gabriela Partylist mula sa isang dating NPA child warrior na humihingi ng tulong sa paghahain ng kasong rape laban sa NPA Commander.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Alyas Ka Shane, 17, tubong Leyte, na na-recruit siya ng NPA noong siya ay nasa Grade 2.

Ang pangako ng NPA ay pag-aaralin siya kapalit ng pagsali sa grupo. Dinala siya sa hide-out sa bundok at na-assign sa medical team.

Sinabi niya na doon siya na-rape at hinarass ng commander ng makailang ulit. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.