Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Militar narekober mga armas, mina ng NPA

0 76

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur: Nasabat ng militar ang ilang uri ng mga matataas na armas, pampasabog at mga dokumento, sa nangyaring engkuwentro kontra sa mga terorista Sabado ng tanghali.

Nakuha ng mga militar ang isang M14 rifle at dalawang anti-personnel mines.

Nangyari ang engkuwentro sa Bulan, Sorsogon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naunang humingi ng tulong ang mga residente ng Barangay R. Gerona at natunton ng pinagsanib na puwersa ng 31st Infantry Battalion, 903rd Infantry Brigade at PNP ang mga rebeldeng NPA.

Nang magkasalubong ay doon na nagkapalitan ng putok at saka tumakas sa magkakahiwalay na direksyon ang mga rebelde.

Sinabi ni Joint Task Force Bicolandia (JTFB) M. Gen. Henry Robinson Jr., na hindi nila ito mapipigilan kung walang tulong ng taumbayan kaya laking pasasalamat nila sa kanilang kooperasyon. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.