Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Militar, NBI tutugisin 9 Jolo cop

0 65

Humingi na ng tulong ang Philippine National Police (PNP) sa Philippine Army (PA) sa paghahanap sa siyam na dating pulis na sangkot sa pagpatay sa apat na intelligence officer ng Army.

Ayon kay PNP chief General Debold Sinas, “Our dialogue is still ongoing and some of them are still hesitant to surrender but we already gave copies of the arrest warrant to the PA to help us in tracking them.”

“These individuals are wary to surrender due to fears about their security and safety despite earlier assurances that they will be detained in PNP national headquarters in Camp Crame,” aniya pa.

Bukod sa PA, sinabi ni Sinas na nagbigay na rin siya ng kopya ng arrest warrant laban sa mga suspek sa National Bureau of Investigation (NBI).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Base sa ulat nitong nakaraang buwan, ang siyam na dating mga pulis ay hindi pa nakakaalis sa Jolo, Sulu.

Matatandaang nakakita ng probable cause ang panel ng prosekusyon ng Department of Justice (DOJ) para kasuhan ang siyam na pulis na sina Senior M/Sgt. Abdelzhimar Padjiri; M/Sgt. Hanie Baddiri; S/Sgt. Iskandar Susulan; S/Sgt. Ernisar Sappal; Cpl. Sulki Andaki; Pat. Moh Nur Pasani; S/Sgt. Almudzrin Hadjaruddin; Pat. Alkajal Mandangan; at Pat. Rajiv Putalan at sampahan ng kasong four counts ng murder at planting evidence at walang nakalaang piyansang para sa pansamantalang kalayaan ng mga ito.

Napatay ng mga ito ang apat na military intelligence officer na sina Maj. Marvin A. Indammog, 39; Capt. Irwin Managuelod, 33; Sgt. Jaime Velasco, 38, at Cpl. Abdal Asula, 33, noong Hunyo 29, 2020 sa Brgy. Walled City sa Jolo, Sulu.

Ang apat na biktima ay nagsasagawa ng intelligence operation laban sa mga Abu Sayyaf bomber nang mapatay sila ng mga dating miyembro ng Jolo Municipal Police Station. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.